RSS

Meet the Hypes


Alam ko na most of the time, seryoso ako magblog pero ngayon, I want to share personal light- hearted stories about my life. Natuwa kasi ako sa conversation ko with a fellow blogger and favorite dutymate-- Bruce. We talked about being nurses, past experiences and family. Kaya heto, hayaan nyo akong magkwento about my family.

Sabi nga nila, all families are dysfunctional and I could say mine is not perfect, but I love them to bits nonetheless. We are five in the family: Papa, Mama, Ate, ako at ang bunso na si Burti. Five different personalities in one home, as expected may konting rumble minsan lalo na pag sabay sabay na nagka-S or sumpong kung tawagin namin.


Nandyan si itay na maghapong nakaupo sa harap ng PC at walang sawang naglalaro ng NBA at Call of Duty. O dba? In na in at bagets na bagets! Minsan pag maganda ang mood, sumisimple ng punchlines si itay para makisabay sa harutan naming tatlo. Pero wag ka! May hidden talent yan, kahit tawang tawa na sya, hindi sya tatawa. At effective ah! Minsan nga gusto ko sya biruin na: “Pa, kaya mo bang kantahin ang theme song ng BEAM toothpaste ng hindi nagsa-smile? Malamang magagawa nya un without a doubt! Hahahaha!

Madalas si mama ang tampulan ng jokes sa bahay at kahit napipikon na sya proud ako na hindi na siya minsan umaalma. Nakalyo na yata sa laging pagpupuna namin ni ate sa mga matitigas na English nya gaya ng: HamBURjer, Cheter (theater), Treysurer (treasurer) at kung ano-ano pa! Natatawa ako pag naaalala ko ang mga linya nya. Mahilig din yun mag-binyag ng mga bagay-bagay. May sarili syang vocabulary words. Sabi nga namin ni ate para syang taxonomist. Eto sample: Bata= tarangkitong, Foreman= poorman, Engineer= Gingineer (dahil manginginom yung engineer na gumawa ng bahay) at marami pang iba. Bilib ako sa tibay ng loob ni mama kahit naghahagalpakan na kami sa katatawa sa mga bloopers nya! Nung nag-Tour kami sa Hongkong may nakita syang magandang puno kaya tinanong nya yung guard:

Mama: Mister, excuse me, is this true? (with matching hawak hawak sa mga dahon…)

Guard: (with a puzzled- “nosebleed” look) Sorry, what?

Mama: The tree is it true?!

Tawa kami ng tawa ni ate.. Naku, mama it’s false! Hahahaha Sobrang classic ng moment na yun! Ibig nya kasi sabihin, totoo ba yung puno? Is it real? Hahahaha

Teka, baka isipin nyo masyado namin pinupuna si mama.. Hindi naman sadyang nakakaaliw lang tlga sya and we respect her for all the things she did for the family.. Walang Kapalit ang mga moms dba?:)

Si ate at ako? Well, kami ang mga dakilang alaskador sa bahay. Masaya kami ‘pag nagbabarahan at nagkukulitan. Pero siguro sa aming dalawa mas maingay, makulit, maharot at magulo yata ako. Kaya naman madalas ako yung napapagalitan kasi hindi ako natitigil tumawa pag nasimulan ko na. Nakakahawa ang mga malakas na tawa namin pero wag ka, walang effect yan kay papa.. O akala lang siguro namin yun deep inside natatawa din sya.

Which brings me to my youngest brother.. Yan ang audience ko! Sya ang masugid na taga-tawa ko sa mga hirit kong out of the blue. Sya din bukod kay mama ang madalas kong asarin at pagplanuhan ng aking pranks.. hahaha! Ako parati ang mastermind ng kalokohan sa bahay… tsk! Pero ganun pa man kahit medyo pikon pa sya (syempre bata eh) love na love ko yun kasi sweet na bata si burti kahit paano. Pero madalas nakakaloka ang tantrums nya.


Father’s day noon and we planned to celebrate it by having dinner at a restaurant. Sabi ni itay, kain tayo sa Max’s. Sabi naman ni Burti, mamya na maglalaro muna ko ng Xbox. Ayaw pumayag ni papa kya naman nagtampo ang bata at nagtantrums. Sabi ko, akala ko ba father’s day ngayon? Bakit naging Burti’s day na?! hahaha Sabi ni mama tara, kumain na muna tayo at mamaya ka na maglaro. Pero nag-insist sya na maglaro at hindi na kumibo.. Sabi ko kay mama: Ma, hindi naman pla father’s day ngayon Burti’s day talaga eh.. hahah Sya kasi ang nasusunod. Nagalit si itay at nag-walk out, hindi na kami nakapag-dinner. Syempre stressed kaming lahat kasi may namumuong sama ng panahon dala ng bagyong Burti at ni itay. Galit si itay habang nag-da-drive, badtrip kasi gutom na at dahil nangibabaw ang gusto ni bunsoy. Pag dating ng bahay, tinawag ni itay si burti. Anak, halika nga dito. Embrace tayo!!!


Waaaaah! Halos gumuho ang mundo namin ni mama! Hahaha matapos ang tantrums, eksena sa mall at matapos nila kaming i-istress.. happy ending din naman pla ang drama ng dalawa. Sakit sa bangs. Tapos...


Naalala ko one time, Valentine’s nun nag-sm fairview kami. May nakita akong guy na may dalang flowers. Ang ganda nung bouquet. Sabi ko sana may magbigay sakin...

ang sweet-sweetan kong kapatid sabi:

ate ako na lang... sabay lapit sa flower stand ang mokong tingin tingin ng flowers

at bumalik..

sabi ko: o,nasan na ung flowers ko?

sabi nya: ang mahal ate eh... akala ko 50 pesos lang. happy valentine's na lang!

pinaasa ako sa wala! Wahahahaha na-touch pa naman ako..pero ok na din. It’s the thought that counts.

Ayan, exclusive never before published take on the daily hustle of the Hype’s residence. Lahat kami may kabaliwan pero at the end of the day, we are all family. Madalas kasi we don't get to appreciate the people around us specially our folks. We all tend to focus on the negatives and not on the goodness of each one. Here goes to my funky and funny family--the family that laughs together, farts together! Haha joke lang! Syempre stays together!(^^,) Ikaw, gaano ka-weird ang pamilya mo?:)


1 comments:

Anonymous said...

hay naku! kung sabay sabay kayong tatawa e sabay sabay nga kayong uutot. pero true that, kasi we don't get to appreciate our families more e, so i suddenly had a brain fart! why not make a Family Tag Game? wala lang, i just think everyone needs to be reminded of how special each family is, kahit na ba sobrang ewan nila! :D

Post a Comment